PEDRO KUKUNIN NA KITA


KAMATAYAN: Pedro kukunin na kita.
PEDRO: Wag na po muna ngaun, marami pa akong gagawin.
KAMATAYAN: Hindi pwede yun, ikaw ang unang nakalista sa listahan ng kamatayan.
PEDRO: Sige po, tatapusin ko muna to, pagtimpla muna kita ng kape, magkape ka muna.
Nilagyan ng pampatulog ni pedroang kape, nakatulog si kamatayan.
Binura ni pedro ang pangalan nyasa unahan ng listahan at nilagay sa pinakahuli…
KAMATAYAN: Ohh, napasarap angtulog ko kaibigan. Dahil sa mabuting pakikitungo mo sa akin, magsisimula ako sa pinakahuli ng listahan.

NANG DAHIL SA SHIOMAI


Nang dahil sa isang pirasong siomai
Kaya kami nagkakilala
pinagsaluhan namin tong dalawa
Dahil dito napaibig ko sya

Dahil sa siomai
Naging malapit kami sa isat' isa
Naalala ko pa ng binilihan ko sya
Ng siomai na para sakanya

Espesyal ang siomai ko
Di basta basta ito
may halong magic ata ang siomai ko
kasi nakuha ko ang matamis nyang oo

Nakakatawa mang isipin
Pero yun talaga ang totoo para samin
Kung gano kasiksik ang siomai na binigay ko
Ganun din ang pag mamahal na ibibigay ko

Kung sa siomai kami nagkakilala
kung dun man kami nagkamabutihang dalawa
Higit pa sa siomai ang ibibigay ko
Ibibigay ko na pati puso ko

Things you dont want to hear during your own surgery -




1. saan yung gunting na bago?bakit may
kalawang na ito?
-
2. 10ml? may nakasurvive na ba dyan? sabi ko
5ml lang!
-

3. doc, ubos na po pala yung anestisya
-

4. kanina pa bukas yung tiyan, asan na yung
pantahi.
-

5. Sunog! sunog! labas na kayong lahat! sunog! sunog!

PAWANG PANAGINIP



Mata’y sa musika nakapikit,
Sa pagbukas ng palad ay nakasambit.
Dalisay na mukha ang tanging namutawi,
Haplos ng kamay at matamis mong ngiti.

Saya’y daig pa ang walang hanggan,
Sumasayaw sa hiwaga ng isipan.
Bawat sandali ay walang katumbas,
Sa paalam ay pilit tumatakas.

Subalit lahat ng ito’y pawang ilusyon,
Hiling ay tila ipinagkait ng panahon.
Sa tadhana’y lubos gumagalang,
Kasabay ng luhang nais humadlang.

NAGBABATE SA BANYO

PINOY JOKES

14 TIPS PARA SAGUTIN KA NG NILILIGAWAN MO


1. Bili ka ng century tuna. Ilagay mo sa isang napakalaking box, yung sinlaki ng TV o kaya box ng desktop PC mo. Tapos balutan mo ng magarang pambalot. Kuntsabahin mo na yung teacher niya sa Calculus. Sa gitna ng klase, bigla kang kumatok sa classroom. Pero dapat, incognito ka. Magsuot ka ng LBC jacket, magshades, at magsuot ng surgical mask. Pagpasok mo sa classroom, iabot mo yung box sa teacher, at papirmahin mo ng acknowledgement receipt. Tapos pabuksan mo in front of everyone. Tignan mong mabuti ang reaction sa mukha niya. Later during the day, ‘pag tinanong niya kung bakit Century Tuna ang binigay mo, iikot mo yung lata at ituro mo yung sign na ‘Omega 8.’ ‘Pag tinanong niya kung ano yung Omega 8, sabihin mo: ‘Because you’re good for my heart.’

2. Mangolekta ka ng isang dosenang hanger na libre mong nakukuha tuwing nagpapa-dry clean ka. Tapos, sa bawat hanger, isulat mo: ‘I miss hanging out with you.’

3. Instead of roses, kuha ka ng tissue paper sa banyo ng school mo. Gawin mong tissue paper roses. Gawa ka ng isang dosena. Pag-abot mo, sabihin mo, ‘Ganito kalinis ang pag-ibig ko sa’yo.’

4. Bili ka ng tetra pack ng mantikang Minola. Tapos bilugan mo yung ‘with Omega 8.’ Hindi na siya magtatanong kung bakit.

5. Bigyan mo ng ice cream cone. Dapat cone lang at walang ice cream. ‘Pag hinanap niya yung ice cream, sabihin mo: ‘Natunaw na kakatitig sa’yo.’

6. Bili ka ng sandosenang box ng crayola. Kolektahin mo lahat ng black. Lagay mo sa isang box ng crayola. Sa likod, isulat mo: ‘Walang kulay ang buhay kung wala ka.’

7. Bigyan mo siya ng mumurahing bumbilya. Alam mo na siguro by this time kung ano ang isasagot pag tinanong niya kung bakit.

8. Itext mo siya ng: ‘Hindi tayo tao, hindi tayo hayop, hindi tayo halaman. Bagay tayo. Bagay!’

9.Bigyan mo siya ng calling card ng MMDA. Sa likod, isulat mo: ‘Para ‘pag nagkabanggaan ang puso natin.’

10. Padalhan mo ng Happy Meal pero huwag mong ibibigay yung libreng laruan. Paghinanap niya, sabihin mo: ‘Ako yung freebie, at ikaw yung meal na nagpapahappy sa akin.’

11. Sunugin ang kanyang bahay at padalhan ng hallmark card: ‘Aanhin mo pa ang bahay mo, kung matagal ka nang nakatira sa puso ko?’

12. Pagkatapos sunugin ang kanyang bahay, padalhan siya ng isang box ng posporo, Guitar brand. Unahan ang kanyang galit at sabihin: ‘Ayan ang posporo na ginamit ko sa pagsunog ng bahay mo, match na tayo.’

13. Sa kalagitnaan ng isang malupit na bagyo, pasalubungan sya ng‘salbabida’, ‘wag payong, o mainit na mami. ‘Pag nagtanong kung bakit? Ang isagot mo ay: ‘Ayaw kong malunod ka sa pagmamahal ko.’

14. ‘Pag pumayag na siyang makipagdate, dalhin mo siya sa canteen at huwag bibitawan ang kamay. ‘Pag tinanong niya kung bakit, ituro mo yun sign na:‘Don’t leave your valuables unattended.”

NEW VERSION OF BAHAY KUBO

♪♪ bahay Condo kahit munti ♪
 ang gadgets doon ay sari sari ♪
 flat screen na TV, blu-ray DVD, ipod, Ipad, Iphone
♪♪ Laptop na malaki, Laptop na maliit, at saka meron pa portable MP3
 ♪♪Digicam,Videocam, Wi-Fi at HD,
 ♪♪ sa paligid ligid ay puno ng . . . Chargeeeeerrrrr