AMPALAYA


Anim na buwan akong nanligaw,
Ngunit ikaw ay tila naligaw,
Sa lalaking hindi ko akalain,
Na bigla mo na lang mamahalin.

Di nagtagal ay naging kayo na.
Saksi ang inyong mga ngiti sa mata.
Bakit ba pinili mo siya?
Ano ba ang wala sa akin, ha?

Pero hindi ako susuko,
Umuwi ng malungkot at bigo.
Ipaglalaban pa rin kita,
Kahit alam kong meron ka ng iba.

Asahan mong hindi ito ang dulo.
Sa tingin mo ba ay papayag ako,
Na sakit ang aking tanging madarama?
Habang kayong dalawa ay masaya?

Ano kayo siniswerte?
Ganun ganun na lang ba, no way!
Bitter na kung bitter,
Para sa akin ito ay unfair!

Babalik ako,
At maghanda na kayo!

No comments:

Post a Comment