Mata’y sa musika nakapikit,
Sa pagbukas ng palad ay nakasambit.
Dalisay na mukha ang tanging namutawi,
Haplos ng kamay at matamis mong ngiti.
Saya’y daig pa ang walang hanggan,
Sumasayaw sa hiwaga ng isipan.
Bawat sandali ay walang katumbas,
Sa paalam ay pilit tumatakas.
Subalit lahat ng ito’y pawang ilusyon,
Hiling ay tila ipinagkait ng panahon.
Sa tadhana’y lubos gumagalang,
Kasabay ng luhang nais humadlang.
No comments:
Post a Comment